PAG-IBIG
“Kung hindi mo mahal and isang tao,
“Kung hindi mo mahal and isang tao,
wag ka nang magpakita ng motibo
para mahalin ka nya..”
“Lahat naman ng tao sumeseryoso pag
tinamaan ng pagmamahal. Yun nga
lang, hindi lahat matibay para sa
temptasyon.”
“Gamitin ang puso para alagaan ang
taong malapit sayo. Gamitin ang
utak para alagaan ang sarili mo.”
“Huwag mong bitawan ang bagay na
hindi mo kayang makitang hawak ng
iba.”
“Huwag mong hawakan kung alam mong
bibitawan mo lang.”
“Huwag na huwag ka hahawak kapag
alam mong may hawak ka na.”
“Parang elevator lang yan eh,
bakit mo pagsisiksikan ung sarili
mo kung walang pwesto para sayo. Eh
meron naman hagdan, ayaw mo lang
pansinin.”
“Kung maghihintay ka nang lalandi
sayo, walang mangyayari sa buhay
mo.. Dapat lumandi ka din.”
“Pag may mahal ka at ayaw sayo,
hayaan mo. Malay mo sa mga susunod
na araw ayaw mo na din sa kanya,
naunahan ka lang.”
“Hiwalayan na kung di ka na masaya.
Walang gamot sa tanga kundi
pagkukusa.”
“Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag
ka magreklamo.
Kasi may mga tao rin na di mo mahal
Kasi may mga tao rin na di mo mahal
pero mahal ka.. Kaya quits lang.”
“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata
sa tanghali? Alam ba nilang pag
natuto silang umibig e hindi na sila
makakatulog kahit gusto nila?”
“Hindi lungkot o takot ang mahirap
sa pag-iisa kundi ang pagtanggap
na sa bilyon-bilyong tao sa mundo,
wala man lang nakipaglaban upang
makasama ka.”
“Kung nagmahal ka ng taong di dapat
at nasaktan ka, wag mong sisihin
ang puso mo. Tumitibok lang yan
para mag-supply ng dugo sa katawan
mo. Ngayon, kung magaling ka sa
anatomy at ang sisisihin mo naman
ay ang hypothalamus mo na
kumokontrol ng emotions mo, mali
ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag
mong isisi sa body organs mo ang mga
sama ng loob mo sa buhay! Tandaan
mo: magiging masaya ka lang kung
matututo kang tanggapin na hindi
ang puso, utak, atay o bituka mo ang
may kasalanan sa lahat ng nangyari
sayo, kundi IKAW mismo!