Wednesday 9 January 2013

2012 Flashback..muling paggunita sa taong nakalipas

2012 ay tapos na at umpisa nanaman ng isang bagong taon ngayong 2013 isang bagong taon na simula,isang bagong taon na puno ng pagasa,isang bagong taon na madadagdag sa isang kabanata ng aking buhay.

Ang bilis ng panahon halos hindi ko kaagad namalayan na tapos na ang 2012 isang taon na pala ang lumipas naisip ko kung ilang beses na ko imiyak sa mga problema sa taong ito na hindi ko nga halos mabilang mga luhang pumatak mula sa mga mata ko,pero naalala ko na sa lahat ng lungkot at pagiyak ko isa lang ang hindi ko makakalimutan ang bilang yun ang family ko,mga friends at lalo na ang mga kwela at mababait kong mga officemate kilala niyo kung sino kayo hehehe.'Ang daming mga malungkot na nangyari isa panga sa HIGHLIGHTS NG EVENTS SA BUHAY ko ng 2012 ay ang 2x napasok ang bahay ko nawalan ako ng mga gamit,ang maharas sa loob ng taxi at tutukan ng driver at magkalat sa kalsada ang lahat ng pinamili ko at habang pinupulot ko ang mga grocery ko na pilit inaagaw ni kuya driver eh nawasak ang plastic hindi ko yata makakalimutan ang pulutin mo ang mga un sa my bangketa sa tektite sa my tapat ng 2 na bangko at habang nakatingin ang mga tao tumutulo sa mata ko ang luha na pilit ko pinipigilan at sinabayan pa ng ambon na malalaki ang patak,nandyan din ang ilang beses ako nagkasakit,at ilang beses nagkaproblema sa PARTNER KO!!
Pero hindi lahat sa 2012 ay malungkot hindi ko din malilimutan ang MASASAYANG EVENT sa buhay ko sa taong 2012,nandiyan ang 3rd Birthday ng anak ko,nandyan ang Team building at ang Christmas party 2012 for team STORM.
nakatuwa lang isispin na matapos ang lahat ng nangyari sa akin sa taong 2012 maraming salamat pa rin ang masasabi ko dahil alam ko kinaya ko lahat ng pag subok at mas naging matatag at mas nahubog pa ng husto ang aking pagkatao.
Paalam 2012 at WELCOME 2013 its a new and brighter year ahead of me at alam ko mas magiging masaya at mas masagana ang taon na ito para sa akin at sa aking pamilya. : )